Nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad sa Indonesia matapos mawalan ng komunikasyon ang isang eroplano na may lulang 11 katao.
Ito ay kinabibilangan ng tatlong government officials at walong crew members.
Ang nawawalang fisheries surveillance aircraft ay bumiyahe mula Yogyakarta patungong Makassar, kabisera ng South Sulawesi, nang mawalan ito ng kontak bandang alas-1:30 ng hapon noong Sabado, Enero 17 sa bahagi ng Maros.
Ayon sa search and rescue agency, pinaniniwalaang bumagsak ang eroplano malapit sa itaas ng Mount Bulusaraung. Humigit-kumulang 400 tauhan mula sa militar, pulisya, at rescue units ang ipinadala sa lugar, ngunit malaking hamon para sa mga rescue teams ang masamang lagay ng panahon sa lugar.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang mga opisyal hinggil sa posibleng sanhi ng insidente.





