Bumagsak ang isang eroplano ng Mexican Navy sa Galveston Bay, Texas nitong Martes ng umaga, Disyembre 23, habang nagsasagawa ng medical mission, na ikinasawi ng ilang sakay nito.
Naganap ang insidente habang papalapit ang eroplano sa Galveston causeway, Texas.
Ayon sa US Coast Guard, hindi pa malinaw kung bakit bumagsak ang eroplano, ngunit tuloy-tuloy na isinasagawa ang search and rescue operations sa lugar.
Ipinahayag ng Mexican Navy na aktibo silang nakikipagtulungan sa mga awtoridad sa pagsasagawa ng rescue at imbestigasyon. Ang mga ahensya ng Amerika tulad ng Federal Aviation Administration (FAA) at National Transporation Safety Board (NSTB) ay dumating na rin upang tumulong sa pagsisiyasat.
Ayon sa awtoridad, nasawia ng ilang mga lulan ng eroplano, habang ang iba nama’y nasagip at dinala sa ospital. Hindi pa naman matukoy sa ngayon ang eksaktong bilang ng mga nasawi at nasugatan dahil sa nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon.
Rumesponde rin ang Galveston County Sheriff’s Office, na ipinadala ang dive team, crime scene unit, drone unit, at iba pang mga tauhan sa crash site upang mapadali ang rescue operations.





