--Ads--

CAUAYAN CITY- Napakahalaga sa mga botante ang isinagawang Presidential Candidates Forum upang makilala nila ng husto ang mga kumakandidato sa bansa

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Domingo Cayosa, dating pangulo ng Integrated Bar of the Phils. (IBP) na mahalaga ito pangunahin na sa mga botante na hindi nakakakilala sa mga kumakandidato sa pagka-pangulo.

Sinabi ni Atty. Cayosa ang mahalagang makita ay ang mga track record ng mga kandidato at kung anong mga nagawa nila.

Dahil sa panahon ng kampanya ay madali lamang mangako at mambola ang mga kandidato.

--Ads--

Sa pamamagitan anya ng mga Presidential Candidates Forum ay makikita rin kung gaano katalinong sumagot ang isang kandidato at makikita kung gaano kahandang mamuno.

Maganda anya na patas ang pag-interview sa mga kandidato dahil pare-pareho ng mga tanong at magkakaiba ang kasagutan ng bawat kandidato.

Bahagi ng pahayag ni Atty. Domongo Cayosa