--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Aurora Police Station sa pagpapakamatay ng isang estudyante na umano’y nagbaril sa sarili.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang nagpakamatay ay 16 anyos na binatilyo at grade 11 student.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, puwersahang binuksan ng ama ang silid  ng anak  dahil  hindi  sinasagot ang kanilang tawag at nang mabuksan ay tumambad sa kanila ang wala nang buhay na binatilyo 

Natagpuan sa loob ng kwarto ang isang Caliber 45 na  baril na rehistrado sa pangalan ng kanyang ama na pinaniniwalaang ginamit niya sa pagpapakamatay.

--Ads--

Bukod sa natagpuang baril ay nakita rin sa loob ng silid ang iniwang suicide note ng binatilyo.

Hinihintay pa ng  Aurora Police Station ang resulta ng isinagawang examination ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).