--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ang katawan ng isang estudiyante matapos malunod sa baybaying sakop ng Barangay Dimapula, Divilacan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, kasama ng biktima ang 5 na kaibigan na   residente ng mga barangay ng Dibulos at Bicobian, Divilacan, Isabela na lumangoy sa baybayin ng dagat.

Habang lumalangoy ang biktima at mga kaibigan ay tinangay sila ng malakas na alon na naging dahilan para malunod ang biktima.

Nagsasagawa ng search and retrieval operation ang rescue team ng pulisya, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at Philippine Coast Guard (PCG).

--Ads--