--Ads--
Isang estudyante ang binaril sa labas ng University of Abra main campus sa Sitio Mapaloong Barangay Poblacion, Lagangilang Abra.
Kinilala ang biktima na si Prince Albert Barbosa, 18-anyos at residente ng Sitio Masanad, Barangay Libtec Dolores.
Samantala kinilala naman ang suspek na si Jave Talaga Bragas, 24-anyos at estudyante rin ng naturang paaralan na residente ng Calao, Bucay.
Batay sa paunang imbestigasyon nakainom umano ng alak ang suspek nang tuksuhin nito ang biktima at kalaunan ay binaril ng tatlong beses.
--Ads--
Agad itong tumakas gamit ang isang motorsiklo.
Sa kasalukuyan patuloy na nilalapatan ng lunas sa isang hospital ang biktima.
Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang mga awtoridad para sa agarang pagkakadakip ng suspek.





