--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang estudyante ng mga kasapi ng Echague Police Station dahil sa kaong illegal na droga sa Barangay Taggapan, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, inaresto si Gil hindi tunay na pangalan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni hukom Bonifacio Ong ng Regional Trial Court Branch 24, Echague, Isabela .

Inirekomendan hukuman ang piyansang Php200,000.00 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Ang akusado ay dinala na sa Echague Police Station na para sa dokumentasyon bago salhin sa court of origin.

--Ads--