--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang estudyante matapos masangkot sa aksidente sa Alicia-San Mateo road sa Brgy. Salvacion, Alicia, Isabela

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sangkot sa aksidente ang isang kulong kulong na minameneho ni James Paul Agustin, 27- anyos, may asawa, fish vendor at residente sa Purok 4, Brgy. Villaflor, San Isidro, Isabela habang ang  motorsiklo na minamaneho ni Regie Bergonio, 20 anyos, estudyante, binata at residente ng Brgy. Mataas na kahoy, Alicia, Isabela.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Alicia Police Station lumalabas na parehong binabagtas ng dalawang sangkot na vehikulo ang kalsada patungong bayan ng San Mateo, Isabela kung saan sinusunadan ng motorsiklo ang kulong kulong.

Nang marakarating sa pinangyarihan ng insidente ay aksidenteng nasalpok umano ng motorsiklo ang likurang bahagi kulong kulong.

--Ads--

Dahil sa lakas ng banggaan ay nagresulta ang insidente upang magtamo ang parehong tsuper ng malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nagawa namang maisugod ang dalawang sangkot sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival si Bergonio ng attending physician.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Alicia Police Station hinggil sa insidente.