--Ads--

Isang 19-anyos na babaeng estudyante ang natagpuang patay sa loob ng septic tank sa isang paupahang bahay sa Barangay Tinaan, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Ang biktima ay residente ng nasabing barangay at first year student ng University of the Ilocos Philippines.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-inuman umano ang biktima at ang kanyang mga kaibigan bandang alas-10:20 ng gabi at pinaniniwalaang aksidenteng nahulog sa septic tank sa naturang lugar.

Agad na tumugon ang Sta. Maria Police Station at humingi ng tulong mula sa City Forensic Unit upang maiproseso ang lugar ng insidente at ang katawan ng biktima.

--Ads--

Patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang sanhi ng pagkamatay ng estudyanteng biktima.

Via Bombo Radyo Vigan