--Ads--

CAUAYAN CITY- Nalunod ang isang estudyante sa Aglipay, Quirino.

Ang nalunod ay si Aiza Buyucan, 14 anyos, at residente Diodol, Aglipay, Quirino.

Ang biktima kasama ang kanyang kapatid na si Kevin Buyucan at boardmate na si Krizzel Gano ay nagtungo sa ilog para maligo.

Si Aiza ay lumangoy sa may kalalimang bahagi ng ilog na sanhi para siya ay malunod.

--Ads--

Humingi ng tulong ang kasama ng biktima makaraang hindi na makitang umahon sa tubig ang nasabing estudyante.

Kaagad namang nakita ng rescue team ang katawan ng biktima at dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival .