--Ads--

Nagpamalas ng husay si Alapati Yimaier, isang 23-anyos na estudyante ng Changji University, nang magtala siya ng 388 skips sa jump rope sa loob ng isang minuto, na naging bagong Guinness World Record.

Sa harap ng higit 100 mag-aaral at guro, naabot niya ang tila imposibleng hamon sa gymnasium ng kanilang unibersidad.

Nagsimula ang hilig ni Alapati sa jump rope noong middle school.

Sa unibersidad, sumali siya sa jump rope team sa ilalim ni Coach Chen Bingjie, na tumulong sa kanyang paghasa ng teknik at disiplina.

--Ads--

Noong 2024, nanalo si Alapati sa isang pambansang kompetisyon, na nagbigay inspirasyon upang subukan ang Guinness World Record.

Sa araw ng kanyang record breaking attempt, dama ang tensyon sa gymnasium, pero binuhos ni Alapati ang lahat.

Sa huli, matagumpay niyang naabot ang record, na inialay niya sa kanyang coach at unibersidad.

Balak naman ni Alapati na maging coach upang magbigay-inspirasyon sa iba.