--Ads--

CAUAYAN CITY- Umaasa ang pamilya ng estudyante na biktima ng ligaw na bala sa Barangay Centro East, Santiago City na tuluyan nang matukoy ang nagpaputok ng baril sanhi para matamaan ang biktima.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Florida Rumbaua, ina nang biktimang si Julius Rumbaua,22 anyos, na nagtutulog na silang mag-anak at nasa nasa gilid na bahagi ng higaan si Julius, katabi ang kaniyang bunsong kapatid, sunod ang kanyang ina at pamangkin nang ginising nang biktima ang kanyang ina upang isangguni ang tila makirot na nararamdaman sa kanyang leeg.

Nang buksan ang ilaw ay tumambad ang duang biktima .

Inakala noon ng mga kaanak nito na kagat ng ahas ang naging sanhi ng sugat na natamo ngunit nang dalhin sa pagamutan ay doon nakumpirma na tama ng bala ng baril ang natamong sugat ng mag-aaral batay sa resulta ng isinagawang X-ray sa biktima.

--Ads--

Ipinaliwanag ng doktor sa ina ng biktima na kinakailangang maoperahan ang biktima para maalis ang balang nakabaon sa kaliwang leeg.

Isasagawa naman ng pulisya ang ballistic examination kapag nakuha na ang balang nakabaon sa leeg ng biktima.
Umaasa si Ginang Rumbaua na matukoy na ang nagpaputok ng baril sanhi para matamaan ang kanyang anak.

Inihayag pa ng ginang na isang mabait at responsibleng anak ang biktima na nasa Second Year College at problemado na kung papaano makahabol sa kanyang klase dahil sa kasalukuyan pang ginagamot ang tinamong tama ng ligaw na bala.