--Ads--
Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Andong”, 21-anyos, isang estudyante at residente ng Brgy. San Placedo, Roxas, Isabela.
Nasamsam mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.20 gramo, isang pekeng ₱500, isang tunay na ₱500, isang plastic sachet na walang laman, isang itim na Samsung keypad phone, at isang stainless folded knife.
Samantala, dinala na ang suspek sa Cauayan Component City Police Station para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang kaso.
--Ads--











