--Ads--
Wala nang buhay nang matagpuan ang ex-boyriend ni late adult star Gina Lima na si Ivan Cezar Ronquillo.
Ito ang kinumpirma ng Quezon Police District (QCPD) nitong Miyerkules, November 19, 2025.
Ayon kay Commander Lt. Col. Jose Luis Aguirre ng La Loma Police Station, ang bangkay ni Ronquillo ay natagpuan sa mismong condo unit kung saan din nasawi si Lima.
Naisugod pa ito sa pagamutan subalit hindi na siya na-revived pa ng mga doktor.
--Ads--
Matatandaan na noong Nobyembre 17, 2025 ay natagpuan ding wala nang buhay si Lima sa naturang condo kung saan Cardio Respiratory Distress ang sinasabing dahilan ng pagkamatay nito.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.





