--Ads--

Bubuo ng Executive Order (EO) ang pamahalaan na nagbibigay kapangyarihan sa mga concerned government agencies na bilhin ang aning palay ng mga magsasaka.

Ito ang isa sa mga napagkasunduan sa isinagawang Rice Summit na nilahukan ng mga Local and National Officials upang bigyang solusyon ang pagbagsak ng presyo ng palay sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Gov. Rodolfo “Rodito” Albano, sinabi niya sa pamamagitan ng naturang EO ay ipauubaya sa Local Government Units, National Food Authoity, at iba pang ahensya kung paano gagastusin ang ilalaang pondo sa pagbili ng palay direkta sa mga magsasaka.

Nilinaw naman ng Gobernador na bibigyang priyoridad muna ang mga rice producing provinces sa bansa.

--Ads--

Sa pamamagitan ng nabanggit na executive order ay pagbabawalan ang mga lahat ng government agencies na mag-angkat ng bigas.

Maliban dito ay rerepasuhin din ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) kung saan ang buwis na malilikom ng Pamahalaan mula sa bigas at palay ay kailangang maibigay nang direkta sa mga lokal na magsasaka.