--Ads--

CAUAYAN CITY- Militar walang na momonitor na extortion activities ng New People Army ngayong election period.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPAO chief LtC Melvin Asuncion, sinabi niya na kasabay ng pagsisimula ng election Period ay nagsagawa sila ng augmentation sa PNP para sa paglalatag ng COMELEC Checkpoint sa ilang strategic area na sakop ng 5th ID.

Sa ngayon ay nanatiling mapayapa parin ang kanilang nasasakupan gayunman ay nanatili silang naka monitor sa ilang areas of concern na naitala sa Lalawigan ng Isabela maging sa Cagayan.

Wala naman silang nakikitang presensya o pagkilos ng makakaliwang grupo o New People’s Army gayundin na wala silang natatanggap na ulat ng extortion activities ng NPA gaya ng permit to win at permit to campaign.

--Ads--

Paalala naman ng 5th Id sa publiko na anumang iliogal na gawain may kaugnayan sa halalan ay agad nilang iulat upang mapanatili ng Militar at PNP ang kaayusan lalo at mahina na ang pwersa ng NPA matapos na mahuli na ng mga otoridad ang kanilang high ranking officials.