--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahang matutuloy na ang pagsasagawa ng face to face classes sa limang paaralan at karagdagang dalawampong paaralan matapos isailalim ang Isabela sa alert level 2 simula ngayong araw hanggang katapusan ng Pebrero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Alfredo Gumaru Jr., Schools Division Supt. ng SDO Cauayan City na ngayong nakasailalim na sa Alert Level 2 ay matutuloy na ang pagsasagawa ng face to face classes sa limang paaralan at maari pang madagdagan ng dalawampu’t dalawang paaralan.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga school heads at mga barangay sa limang paaralan na unang inaprubahan na pagsagawaan ng face to face classes.

Matapos anyang kumuha ng clearance sa mga opisyal ng barangay at City Officials maging ng pagpayag ng mga magulang ay itutuloy  na ang pagsasagawa ng face to face classes.

--Ads--

Kapag makita rin ang kahandaan ng karagdagang mahigit dalawampong paaralan ay irerekomenda ng SDO Cauayan City ang face to face classes.

Excited na rin ang mga mag-aaral na pumasok kaya kailangang matuloy na.

Kailangan nilang sundin ang labing lima hanggang dalawampong mag-aaral  na sabay sabay na magka-klase sa bawat silid-aralan.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Alfredo Gumaru Jr.