CAUAYAN CITY– Mayroon ng facial composite ang Tumauini Police Station sa suspek na bumaril at pumatay sa isang magsasaka sa kanilang nasasakupan na nangyari sa Sitio Minari, barangay Lanna.
Ang biktima ay si Rodrigo Talusan, 38 anyos, magsasaka at residente ng Purok 2, Lanna, Tumauini, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Major Eugenio Mallillin, hepe ng Tumauini Police Station sinabi niya na ibinigay ng kanilang isang witness ang nasabing facial composite.
Aniya, naipagbigay alam na nila ito sa pamamagitan ng social media gayundin sa kanilang information higher headquarter.
Hinihintay din nila ang isa pa nilang witness upang ipakita ang nasabing facial composite para makita nila kung magtutugma ang mga nakuha nilang impormasyon.
Ayon pa kay P/Major Mallillin ang suspek ay may taas na 5’2 hanggang 5’4, katamtaman ang pangangatawan, nasa edad trenta hanggang trenta y singko at nasa limampo hanggang animnapo ang bigat.





