CAUAYAN CITY- Problema ng ilang mga magsasaka ang kanilang mga pananim na mais na pineperwisyo ng mga uod kahit pa yield guard o ang mataas na kalidad ang mga itinanim nilang binhi sa Cauayan City, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Joel Dela Cruz, magsasaka sinabi niya na kahit anong gawin nilang paraan gaya ng pag-spray ng mga gamot para maisalba ang kaniyang pananim mula sa mga peste ay hindi pa din ito epektibo.
Aniya, mataas na kalidad ng binhi ang kanilang itinatanim para masiguro na maging maganda ang kalidad ng kanilang pananim ngunit inuuod pa din naman ang mga ito.
Nasa labing limang araw pa lamang umano ang kanilang pananim na mais ay nagsisimula na itong pamugaran ng mga armyworms at kung hindi agad maaagapan ay baka wala ng mapakinabangan pa sa kanilang pananim.
Malaki aniya ang kanilang lugi dahil napakamahal ng presyo ng mga farm inputs pangunahin na ang mga gamot na ginagamit nila na pangpuksa sa mga peste.