Pabor ang Farmer Group na Federation of Free Farmers sa panukala ng Department of Agriculture (DA) na mamili rin ang National Food Authority ng mais sa mga local farmers.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Federation of Free Farmers Chairman of the Board Leonardo Montemayor, sinabi niya na bagamat pabor sila dito kapalit ng garantisado at magandang presyo ay aabutin pa ng isang taon bago ito maipatupad.
Batay sa datos alinsunod sa unang pahayag ng National Food Authority 5,900 metric tons lamang ng mais ang nakarpograma mas kakaunti ng mahigit walong milyong tonelada sa aktwal na corn production ng bansa kaya kakaunting magsasaka o hindi pa lalampas sa isang bahagdan ng kabuuang bilang ng mga magsasaka ang makikinabang dito.
Kung ipapatupad ito ay dapat tiyakin narin ng NFA na handa ang kanilang mga bodega at may sapat na pasilidad para bigyang daan ang pamimili ng mais ng mga magsasaka at siguruhin na hindi ito makakaapekto sa palay procurement.
Layunin ng program na ito ng DA na gamitin ang mais bilang alternatibo sa bigas.
Ayon kay Federatiojn of Free Farmers Chairman of the Board Montemayor na ang mais o puting mais ay ginagamit sa Visayas bilang alternatibo sa bigas dahil sa mas mabigat umano ito sa tiyan.











