--Ads--

CAUAYAN CITY- Mainit ang pagtanggap ng mga mamamayan sa nasabing coastal town ng Dinapigue, Isabela ang mga opisyal ng Provincial Government na dumating doon para sa farmers congress

Ang Farmers Congress na isinasagawa sa iba’t ibang bayan sa Isabela ay naglalayong mailapit sa mga Isabelenio ang mga proyekto at programa ng pamahalaang panlalawigan.

Kabilang dito ang BRO scholarship program, loan assistance sa pamamagitan ng Provincial Dev’t Cooperative Office, serbisyo mula sa Provincial Veterinary Office at iba pang departamento at ahensiya ng pamahalaan.

Sa pagdating Dinapigue, Isabela ng mga department heads ng panlalawigang kapitolyo ay isinagawa na sa nasabing bayan ang tree planting activity.

--Ads--

Nagtanim sila ng mga namumungang punong kahoy at mahogany sa tabi ng provincial road.

Ang farmers congress sa coastal town ng dinapigue ay pinangunahan ni Gov Bojie Dy.