--Ads--

Bumagsak ang farmgate price ng kamatis sa Pilipinas sa P4 kada kilo dahil sa oversupply, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Nararanasan ang malaking pagbagsak ng presyo sa Pangasinan, Nueva Ecija, at Nueva Vizcaya — malayong-malayo sa P300 kada kilo na presyo noong Enero.

Nanawagan ang SINAG sa gobyerno na magtakda ng floor price para sa kamatis upang matulungan ang mga magsasaka.

Hinihikayat din nila ang mga kooperatiba, institutional buyers, at mga negosyo na bumili ng kamatis diretso sa mga bukid sa halagang hindi bababa sa P10 kada kilo upang makatulong sa mga magsasaka na makabawi.

--Ads--

Wala pang pahayag ang Department of Agriculture tungkol sa isyung ito.