--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagtalaga na ng 24/7 outpatients urgent care ang Cagayan Valley Medical Center bilang paghahanda sa bagong taon.

Maliban pa ito sa mga fast lane para sa agarang pag tugon sa mga trauma cases, food poisoning at iba pang emergency cases katuwang ang Emergency Response Units ng CVMC.

Magsisimula ang monitoring para sa Firecracker Related Injuries sa mga bsususnod na Linggo na tatagal hanggang sa susunod na taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Cherry Lou Molina Antonio ang Medical Center Chief ng CVMC sinabi niya na puspusan na ang kanilang paghahanda sa nalalabing labing tatlong araw bago ang bagong taon.

--Ads--

Gaya ng mga nakaraang taon ay nanatili ang kanilang adbokasiya para sa ligtas na pasko at bagong taon  sa pamamagitan ng knailang tatlong Campaign ang Biyahealthy, pagkain ng masustansayng pagkain ngtayong pasko at pag-iwas sa paputok.

Sa pamamagitan ng iba’t ibang programa na ito ng DOH ay napapaalalahanan nila ang publiko sa mga dapat nilang gawin na paghahanda upang maging ligtas at malusog ang kanilang holiday season.

Sa halip na paputok ay gumamit na lamang ng mga paingay gaya ng torotot, mga kaldero at Karaoke.