--Ads--

Faulty electrical wiring ang tinitignang dahilan ng sumiklab na sunog na tumupok sa isang bahay sa Purok 1, Brgy. Anonang, Cordon, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO2 Jovelyn Galap, Team Leader ng BFP Cordon, sinabi niya na ang nasunog na bahay ay pag mamay-ari ni Ginoong Romulo Carbonel .

Una rito ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa nagaganap na sunog sa naturang Barangay na agad naman nilang tinugunan.

Pasado alas nuebe aniya ng umaga sumiklab ang sunog at idineklarang fireout pasado alas onse ng umaga at inabot ng humigit kumulang isang oras ang isinagawang fire suppresion operation.

--Ads--

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Cordong Fire station nag simula ang sunog sa kwarto ng anak ng biktima na mabilis kumalat sa buong bahay.

Naiwan umano sa bahay ang misis ng may ari ng bahay kasama ang kanilang anak na buntis at mga apo,una umanong nakita ng bunsong anak na may nasusunog sa loob ng kwarto sa ikalawang palapag ng bahay kaya agad silang nag likas ng kanilang mga gamit.

Ito na ang ikalawang insidente ng sunog na naitala nila sa kanilang nasasakupan ngayong taon.