--Ads--

Nagbabala ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) sa dumaraming pekeng at hindi rehistradong produkto, partikular na ang mga gamot na binebenta online.

Ayon sa FDA, pinag-iisipan na gawing obligasyon sa mga e-commerce platforms ang pagpapakita ng market authorization form bilang patunay na rehistrado ang produkto sa ahensya.

Araw-araw ay isinasagawa ng FDA ang pagsusuri at pagtanggal ng mga illegal listings sa mga platform tulad ng Meta, TikTok, Lazada, Shopee, Shein, at Carousel.ph, ngunit madalas ay mabilis na napapalitan ang mga ito. Napansin rin ng ahensya ang pagtaas ng pekeng rabies vaccines online, at marami sa mga hindi rehistradong produkto ay substandard at delikado sa kalusugan.

Inamin ng FDA na kulang ang kanilang manpower, kaya nagde-develop ang ahensya ng isang 5-year development plan, kabilang ang dagdag na budget at tauhan. Layunin nito na mabawasan ang backlog ng product registration at license-to-operate applications, na kasalukuyang nasa 17,000. Habang tinutugunan ang backlog, mas napapabilis din ang pagproseso ng mga mainstream applications, lalo na ang OTC medicines at home remedies, na bumubuo sa 60-70 porsiyento ng pending applications.

--Ads--

Inaasahang sisimulan ngayong taon ang online registration para sa OTC medicines, dahil ito ang karaniwang ginagamit ng publiko at may mas mababang panganib kumpara sa ibang pharmaceutical items.