--Ads--

Inendorso ng Food and Drug Administration (FDA) ang 10 karagdagang gamot para sa Value Added Tax o VAT exemption, bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na pababain ang gastos sa kalusugan.


Kabilang sa mga gamot ang panlunas sa high cholesterol (Atorvastatin + Fenofibrate), kanser (Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium), diabetes (Metformin Hydrochloride + Teneligliptin), altapresyon (Metoprolol tartrate + Ivabradine), at sakit sa pag-iisip (Lamotrigine).


Idadagdag ang mga ito sa listahan ng VAT-exempt medicines ng Bureau of Internal Revenue (BIR).


Ayon sa FDA, ang pagtanggal ng 12% VAT ay makakatulong sa pagpapalawak ng akses sa mahahalagang gamot, lalo na para sa mga may malalang karamdaman na nangangailangan ng pangmatagalang gamutan.

--Ads--