CAUAYAN CITY – Ipinaliwanag ng isang Feng Shui expert ang characteristics ng dragon na maaring makapagbigay ng prosperity at good fortune ngayong taon.
Ito ay kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year sa ikasampu ng Pebrero.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Master Hanz Cua, Feng shui expert, sinabi niya na ang taong 2024 ay year of the dragon at ang dragon ay isang agresibo at determinadong simbolo.
Isa rin ito sa mga maswerteng simbolo sa Feng Shui kaya kailangan sa mga tao na dagdagan pa ang sipag at determinasyon upang makamit ang mga inaasam sa buhay.
Nalalapit na aniya ang chinese new year at year of the wooden dragon na ang iiral.
Dito ay violet ang lucky color dahil ang violet ay kulay ng money o wealth element.
Gawin lamang maliwanag ang loob ng bahay at kahit anong klase ng kulay violet ay nakakapagpaganda ito sa paligid.
Gawin ding maingay ang loob ng bahay, masaya at ang importante ay sama-sama ang buong pamilya sa pagsalubong sa Chinese New Year.
Ayon kay Master Hanz hindi naman pilitan ang pagdiriwang ng Chinese New Year kahit hindi chinese.
Maghanda lamang ng labindalawang klase ng prutas na inihahambing sa labindalawang buwan ng taon bilang pampaswerte at iba pang pagkaing chinese
Weak element ang pera sa pagsisimula ng year of the wooden dragon kaya kailangan ng extra effort sa pagtitiyaga at huwag lang umasa sa mga pamahiin.











