Sisimulan ng ipamahagi ng City Agriculture Office ang fertilizer voucher para sa mga magsasaka ng Lunso d sa mgha susunod na Lingggo.
Ayon kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist na sa January 16 hanggang January 28 ay nakatakda nilang pamapahagi ng fertilizer vouchers sa mga rehistradong Magsasaka.
Sa ngayon mayorya ng mga magsasaka sa Lunsod ay miyembro na ng Registry System for Basic Sector for Agriculture o RSBSA.
Aniya, kung sakaling hindi makakapunta ang magsasaka para kunin ang kaniyang voucher ay maaari itong magbigay o kumuha ng authorization para sa indibiduwal na uutusan nitong magpick-up o kumuha nito.
Paalala nila hanggang 2 hectares lamang ang maximum voucher na kanilang ipinamamahagi kung saan kabilang sa mga makakakuha ay mga magsasaka na hindi residente ng Lunsod subalit may sinasakang lupain sa Cauayan City.