CAUAYAN CITY – Hindi pa natutukoy ng mga otoridad ang babae nag-flush sa isang fetus sa comfort room ng isang bus terminal sa Villasis, Santiago City.
Ang fetus ay binasbasan ng isang pastor at binigyan ng Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO) ng disenteng libing sa public cemetery sa Caloocan, Santiago City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Reynaldo Maggay, hepe ng Station 1 na nadiskubre ng guwardiya ang fetus matapos na magreklamo ang isang pasahero na barado ang isang toilet bowl dakong alas tres ng madaling araw noong September 7, 2019.
Ang pagkakatuklas sa fetus na tinatayang mahigit 8 na buwan ay agad na inireport ng guwardiya sa nakaduty na pulis sa nasabing lugar at itinawag sa Station 1 ng SCPO.
Nanawagan si P/Maj. Maggay sa ina o ama ng fetus na puntahan ang puntod nito sa public cemetery sa Santiago City.