--Ads--
CAUAYAN CITY – Tutol ang Federation of Free Farmers sa pahayag ng ilang senador na huwag ibalik sa National Food Authority ang kapangyarihan na mag-import ng bigas dahil sa corruption.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Federation of Free Farmers National Manager Raul Montemayor, sinabi niya na sa kasulukuyang Rice Tarrification Law ay tila tali ang kamay ng pamahalaan sa pagbabawal sa NFA na mag-import ng bigas lalo sa panahon ng pangangailangan.
Hindi naman anya kailangan na maging tuloy-tuloy ang pagpapahintulot sa NFA na mag-import sa halip ay sa mga panahon lamang na manipis ang supply ng bigas.
Sakali man anyang may mga korupsyon sa nasabing ahensiya ay nararapat lang anya na mapanagot sa batas ang mga sangkot rito.
--Ads--