--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi tinanggap ng Lupon ng Halalan o COMELEC Isabela ang paghahain ng substitution ng isang tumatakbo sa pagka-kongresista sa ikaapat na distrito ng Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan dakong alas tres ng hapon ng magtungo ang kampo ni Maximin Navarro kasama ang kanyang Ina na si Dating Mayor Amy Navarro ng Lunsod ng Santiago at ang kanyang abogado upang maghain ng COC bilang kinatawan ng ikaapat na Distrito ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Election Supervisor Manuel Castillo sinabi niya na bagamat may dalang Certificate of Candidacy at Certificate of Nomination and Acceptance si Navarro ay hindi pa rin nila ito tinanggap dahil walang nangyaring withdrawal sa mga kandidatong kanyang papalitan.

Ipinaliwanag ni Atty. Castillo na malinaw na bago ang substitution ay dapat ay may kandidatong mag-uurong ng kandidatura upang may slot na tatakbuhan ng pulitiko ngunit walang nangyaring withdrawal kayat hindi tinanggap  ang COC ni Navarro.

--Ads--

Inihayag  pa ni Atty. Castillo na kung hindi ukumbinsido ang kampo ni Navarro ay handa niyang dalhin sa Law Department ng Comelec na magpapasya sa inihain niyang substitution.

Samantala bagamat hindi nagpa-interview, sinabi ng kampo ni Navarro na hindi tumupad sa usapan ang dalawang kandidato na kanyang papalitan sa pagka-kongresista ng ikaapat na distrito ng Isabela kayat asahang iaapela niya ito.

Ang bahagi ng pahayag ni Election Supervisor Atty. Manuel Castillo.