CAUAYAN CITY – Wagi bilang Best Actress sa 11th Emirates Film Festival ang tubong Santiago City, Isabela na si Meljun Viloria de Ocampo na nakabase bilang OFW sa Dubai, United Arab Emirates.
Isa lamang siya sa mga karakter ng pelikulang ‘Post Parto’ na kwentong isinulat ng kaniyang asawa na si Ron Jordan de Ocampo na nagkamit rin ng major awards kabilang ang Nominee for Best Editing at Emerging Filmmakers.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Meljun Viloria de Ocampo, napakalaking karangalan aniya ito na maibahagi ang kanilang kwento lalo na ang mga kagaya nilang Filipinos abroad.
Ang kwento ay umiikot sa postpartum depression na pinag dadaanan ng lahat ng mga ina pagkatapos manganak.
Dahil may passion sila ng kaniyang mister sa paggawa ng pelikula ay bumuo sila ng grupo kasama ang kapwa mga OFW na may kaniya kaniyang kagalingan at madalas silang mga shoot ng mga eksena kapag sila ay naka dayoff sa katunayan ay maraming mga OFW sa Dubai ang lumalahok sa Indie Film.
Maliban sa mga independent film makers marami ring mga Filipino doon ang content creators.
Bukod kay De Ocampo, nasungkit rin ang ilang parangal gaya ng
Best Actor – Joseph Binayao, Emerging Filmmakers- Kaycee Castellano at Nominee for Best Editing na produced sa tulong ni Ore Alanes.
Ang pelikulang ito ay buong tapang na nagbibigay-liwanag sa mga kumplikadong isyu ng depresyon, na nagpapakita kung paano haharapin ng isang pamilya ang sitwasyon.
Binigyang diin rin sa pelikula na hindi lamang pag-ibig ay patungkol sa pangangalaga kundi ito ay kung paano haharapin ang liwanag mula sa kadiliman.