--Ads--

CAUAYAN CITY Nag-organisa ng fund raising activities sa pamamagitan ng Go Fund Me ang mga Filipino Community sa Estados Unidos para matulungan ang naulilang pamilya ng isang Pinoy na kabilang sa mga nasawi sa naganap na pamamaril sa San Jose, California.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jon Melegrito, News Editor sa Washinton DC, sinabi niya na maraming Pinoy sa naturang bansa ang nalungkot sa pagkasawi ni Paul Dela Cruz Megia sa naganap na pamamaril sa rail yard sa San Jose, California.

Aniya, naulila ni Megia ang kanyang tatlong anak na pawang mga maliliit pa.

Dahil sa lawak ng naabot ng social media ay inilunsad na ng mga Filipino Community ang Go Fund Me para makalikom ng sapat na pondo bilang tulong sa pamilya ng biktima.

--Ads--

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa insidente upang matukoy kung may kinalaman sa hate crimes ang naganap na mass shooting dahil may mga lumulutang na foreign names na kabilang sa mga nasawi at kung sinadya ba ng pinaghihinalaan na patayin ang walong biktima.

Patuloy din ang paalala ng embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos sa mga Pilipino na nasa naturang bansa na mag-ingat at maging mapagmatyag dahil pa rin sa lumalaganap na insidente ng hate crimes.

Tinig ni Ginoong Jon Melegrito.

Matatandaang una ng inihayag ng mga awtoridad na nakakaranas ng mental health issue ang pinaghihinalaan sa pamamaril na nahaharap din sa kasong sexual assault na nagbaril din sa sarili matapos ang insidente.

Natuklasan din ng mga awtoridad ang sandamakmak na pampasabog at mga bala sa mismong bahay ng pinaghihinalaan na si Samuel Cassidy, limampu’t pitong taong gulang, maintenance worker ng VTA.