--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang Filipino Canadian Doctor sa New York ang hinatulang guilty ng Federal court  dahil sa $24 million fraudulent claims sa Medicare partikular sa laboratory tests and orthotic braces.

Ayon sa mga dokumento ng korte at ebidensya na iniharap sa paglilitis, si Dr. Alexander Baldonado, M.D., 69-years old, ng Queens, ay nakatanggap ng sampung libong dolyar sa mga ilegal na cash kickback at suhol kapalit ng laboratory test, kabilang ang cancer genetic tests na sinisingil sa Medicare ng dalawang kaugnay na laboratoryo na matatagpuan sa New York.

Inaasahang siya ay papatawan ng habambuhay na pag-kakabilanggo para sa 10 counts of health care fraud.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na isa lamang ito sa napakaraming problema sa medicare sa Amerika na ginagamit narin sa panghuhuthot sa American Government.

--Ads--

Bahagi ng scheme, ang pagbibigay pahintulot ni Baldonado sa daan-daang mga cancer genetic tests para medicare beneficiaries na dumalo sa mga COVID-19 testing events sa mga assisted living facility, adult day care center, at retirement community noong 2020.

Ang 24 million na fraudulent claims ay ilan lamang sa malalaking halaga ng health care fraud.

Aniya hindi maiwasang malungkot siya dahil sa ang nasangkot ay isang Pilipino na kasalukuyang medical doctor sa Newyork.

Ang Medicare program sa US ay nagbibigay benepisyo sa 11,000 na residenteng edad 65 partikular ang nasa 140% poverty level na umaasa sa naturang programa sa Amerika.

Nagaganap at sinasamantala ang mga loopholes sa Medicare program dahil sa kawalan ng mga nag-uulat sa iligal na gawain.