cauayan city – Pangarap ni Filipino fashion student Kennedy Jhon Gasper na magkaroon ng sariling Fashion House matapos manalong Best National Costume Designer sa katatapos na 2021 Miss Universe na ginanap sa Israel
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gasper, dalawamput isang taong gulang na hindi niya inasahan na masungkit ni 2021 Miss Universe Nigeria Maristella Okpala ang Best in National Costume na kanyang obra kasabay ng kanyang pagkakatanghal na Best national costume designer.
Sinabi ni Gasper na iminungkahi sa kanya ni Miss Nigeria ang kanilang sikat na traditional Mmwana (Mamanwa) masquerade ng Igbo Tribe sa Nigeria.
Gumawa anya si Gasper ng design na halaw sa (Mamanwa) masquerade ng igbo tribe na nagustuhan ni Miss Nigeria.
Inihayag pa ni Gasper na nakilala niya si Miss Nigeria sa social media at inalok siyang gumawa ng gagamiting National Costume sa kanyang pagsali sa Miss Nigeria ngunit kanyang tinanggihan dahil sa abala siya sa kanyang pag-aaral ngunit muli siyang inalok na gumawa ng National Costume na ginamit sa 2021 Miss Universe na kanyang pinagbigyan dahil sa mayroon na siyang panahon na gumawa.
Ayon kay Gasper nauna na rin siyang nag-design sa mga Costume nina Miss Cameron noong 2020 Miss Universe, Miss Kenya sa Supranational na naging second place.
Noong nakaraang buwan ay ginawan din niya ng Costume si Miss Teen Utah, U.S.A. na nanalong Best in State Costume at State Costume ni Miss U.S.A. na naging second place.
Pangarap din ni Gasper na maging Fashion Designer at magkaroon ng Fashion House.
Sinabi niya na inspirasyon niya ang sikat na fashion designer na si Michael Cinco na nakahimpil sa Dubai.