--Ads--

CAUAYAN CITY –Naniniwala ang isang Russian football player na magiging inspirasyon ng mga pinoy ang Filipino goalkeeper ng Team France na si Alphonse Areola.

Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Russian Football Player Dimitry Doroshenko, na sa Russia ay wala anya silang Russians goalkeeper subalit ang Pilipinas ay mayroon sa katauhan ni Areola.

Naniniwala din si Doroshenko na ang tagumpay ni Areola ay simula na magugustuhan na rin ng mga pilipino ang football.

Ayon sa ilang analyst ng football na maaaring maraming mga pinoy ang magkakagusto sa nasabing laro dahil kay Alphonse Areola.

--Ads--

Magugunitang sumabak si Areola sa final 16 round bilang goal keeper.

Marami anyang Russians ang nais makitang maglaro sa finals ng FIFA World Cup si Areola subalit tiyak na hindi makakapaglaro dahil ang isasabak ay ang main goalkeeper ng France na mas bihasa sa laro.