--Ads--

Isang 16-anyos na Filipino na naninirahan sa Milan, Italy ang iniulat na nasugatan sa sunog na sumiklab sa Le Constellation bar sa Crans-Montana, Switzerland, kasagsagan ng selebrasyon para sa bagong taon.

Nakatawag pa ang binatilyo sa kanyang ama habang nagaganap ang sunog at sinabing malubha ang kanyang mga sugat bago mawalan ng komunikasyon. Kinumpirma rin sa isang social media post mula sa komunidad sa Crans-Montana na ang biktima ay nasa pangangalaga na ng mga medical personnel.

Batay sa ulat, umabot umano sa mahigit 40 ang nasawi sa sunog. Gayunman, wala pang opisyal na pahayag ang Philippine Embassy in Berne at ang Philippine Consulate General sa Milan hinggil sa insidente.

Samantala, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na batay sa initial report ng Philippine Embassy sa Berne, wala umanong Filipino casualties sa insidente.

--Ads--