--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsimula ngayong araw at magtatapos bukas araw ng Biyernes ang isinasagawang financial literacy training ng isang samahan ng kooperatiba sa rehiyon dito sa Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Ernan Palabyab, Manager ng member Services ng Philippine Federation of Credit Cooperative National na layunin ng financial literacy training na maturuan ang mga mamamayan ng pamamahala sa pera.

Ang financial literacy training ay binubuo ng walong paksa na kinabibilangan ng mission ng kooperatiba, produkto ng kooperatiba,paglalaan ng salapi at pamamahala ng negosyo.

Mahalaga anya ito upang magamit ng tama ang pera ng mga mamamayan upang maiwasan ang pagkakabaon sa utang at maka-impok ng pera sa mga kooperatiba.

--Ads--

Bukod dito ay natuturuan din ang mga mamamayan sa pagkakaiba ng pag-iimpok at pag-invest kung saan natututunan ng mga miyembro ng kooperatiba ang pagpapalago ng kanilang pera.

Ang financial literacy training ay dinadaluhan ng mga opisyal ng kooperatiba sa lambak ng cagayan at ilagang bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).