--Ads--

CAUAYAN CITY – Birthday prayer na natupad ang pagkasama sa 12 finalists ng Bombo Music Festival 2020 ni Ginoong Edwin Dimaculangan, financial specialist sa West Covina, California, Estados Unidos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Dimaculangan na isang accountant, 14 taon nang nagtatrabaho sa Amerika at tubong Alabang, Muntinlupa City na ang unang plano niya ay isali ang mga hindi natapos na old songs para sana matapos na.

Gayunman, tila hirap siyang tapusin dahil maraming iniisip, may problema at tuliro kaya naisip niyang gamitin ang kanyang emosyon.

Dahil nahirapan siyang tapusin ang kanta ay ginawa niyang “Mahirap Gumawa ng Kanta” ang titulo ng kanyang awit.Dito siya nag-focus, dinevelop at ginawan ng istorya.

--Ads--

Sinabi pa ni Ginoong Dimaculangan na mahilig siyang sumali sa mga songwriting comptetition at nang makita sa website ang tungkol sa songwriting competition ng Bombo Radyo Philippines at July 31 ang deadline ay nagkaroon siya ng isang buwan para mag-compose ng kanta.

Noong siya ay nasa elementarya at high school ay mahilig na siyang gumawa ng tula at noong nasa kolehiyo na siya ay naisip niya na lagyan ng musika ang kanyang mga tula.

Ayon kay Ginoong Dimaculangan, noong Agosto na buwan ng kanyang kaarawan ay ipinagdasal niya sa Diyos na maging regalo ang mapasama sa top 12 kaya labis siyang nagpapasalamat dahil natupad ang kanyang birthday prayer.

Sinabi niya na mahirap gumawa ng kanta, depende sa mood ng songwriter dahil kung minsan ay maganda ang kondisyon at emosyon kaya mabilis na gumawa ng kanta.

Magsusumite ng application for leave si Ginoong Dimaculangan sa kanyang trabaho para makadalo sa mga rehearsals at sa araw mismo ng finals ng Bombo Music Festival sa January 11, 2020.

Ang tinig ni Ginoong Edwin Dimaculangan