Kakaibang kahulugan para sa halos dalawang dosenang magkapareha na sumabak sa taunang Wife Carrying Race sa Dorking, Surrey U.K.
Sa kaganapang ito, mga asawa at mag kasintahan ay kumapit nang mahigpit habang binuhat ng kanilang mga kapareha pataas at pababa sa isang burol.
Noong Linggo, sina Teemu Touvinen at Jatta Leinonen mula Finland ang itinanghal na kampeon matapos makumpleto ang 380 metrong course sa loob ng 1 minuto at 45 segundo habang ang pinakamabilis na British pair, na sina Edward Nash at Kathryn Knight, ay pumangalawa lamang ng apat na segundo at sila ang kakatawan sa U.K. sa World Wife Carrying Championships sa Finland ngayong Hulyo.
Bagama’t ang pinagmulan ng paligsahan ay iniuugnay sa isang alamat mula sa Finland noong ika-19 na siglo, ngayon ay nakatuon na ito sa lighthearted fun. Pinapayagan ang mga nakakatawang costume, at hindi limitado sa mag-asawa ang mga kalahok dahil maaaring buhatin ang kaibigan, kapatid, o kasintahan, basta’t higit sa 18 taong gulang at may timbang na hindi bababa sa 50 kilo. Kung kulang sa timbang, kailangang magdala ng rucksack na puno ng harina o tubig.
Karamihan sa mga kalahok ay gumamit ng “Estonian Hold,” kung saan nakabaligtad ang “wife” sa likod ng nagbubuhat, nakalapat ang mga binti sa harap ng mukha nito. Sa course, kinailangan nilang tumawid sa mga harang na dayami at tiisin ang pagbuhos ng tubig habang bumababa sa burol.





