--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumaba ng isandaang bahagdan  ang mga firecracker related incidents batay sa talaan ng Office of the Civil Defense na kanilang nakuha sa datos ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH region 2  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Francis Joseph Reyes, tagapagsalita ng OCD region 2 na batay sa monitoring ng DOH region 2 ay wala pang naiuulat na anumang firecracker related incidents.

Kung ikukumpara anya noong nakaraang taon ang firecracker related incidents sa ngayon ay mas mababa ng 100 percent.

Sinabi pa ni Ginoong Reyes na noong ikadalawamput pito ng Disyembre, 2019 ay mayroon na silang naitalang firecracker related incidents kumpara kahapon na wala pa silang naitatala.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni OCD Region 2 Spokesperson Francis Josep Reyes.