--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa dalawamput siyam ang naitalang kaso ng Firework-Related Injuries matapos madagdagan ng pitong bagong kaso.

Ayon sa DOH Region 2 mas mataas ito ng labimpitong kaso kung ihahambing noong nakalipas na taon na mayroong labindalawang kaso lamang.

Dalawamput anim o 90% sa nasabing mga kaso ay mga lalaki na nasa edad lima hanggang animnaput lima.

Labing apat o 48% ng mga kaso ay nagmula sa lalawigan ng Isabela.

--Ads--

Pinakamarami naman sa mga kaso ay mga nasabugan o nagtamo ng paso at naputulan ng daliri sa kamay.

71% sa mga ito ay nangyari sa kanilang mga bahay, labing anim ang direktang gumamit ng paputok habang labintatlo naman ang nadamay lamang.

Halos lahat naman ng mga biktima ay nadala sa mga ospital upang malapatan ng lunas at napauwi rin upang sa kanilang bahay na magpagaling habang ang isa ay nananatili pa sa Santiago Medical City.

Ayon sa DOH walang naitalang kaso ng firecracker ingestion at stray bullet injury at wala ring naitalang namatay.