CAUAYAN CITY- Dinaluhan ng tatlong rehiyon sa bansa ang isinagawang First Cagayan River Basin Summit sa Santiago City.
Ang First Cagayan River Basin Summit ay dinaluhan ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Region 2.
Layunin ng summit na mapagtuunan ng pansin ng Regional Council ang pangangalaga sa River Basins sa bansa pangunahin na ang Ilog sa nasasakupan ng Cagayan, Isabela at Quirino.
Naging maganda ang presentasyon ng Departmnet of Agriculture (DA Region 2) kung saan mapapakinabangan ang tubig na nanggagaling sa Ilog Cagayan.
Maging ang National Irrigation Administration o NIA region 2 ay nagbigay din ng kanilang presentasyon kaugnay sa pagpapatubig ng mga sakahan.
Tinalakay din sa First Cagayan River Basin Summit ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at iba’t ibang sector upang maging maayos at malinis ang ilog sa region 2.




