--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpahayag ng kasiyahan sa pagkapanalo ng first prize na P/20,000.00 piso si Ginang Virginia Benabise, 50 anyos, residente ng ng Rugao, Ilagan City sa katatapos na grand draw ng Swerte sa Palengke 2017 Promo.

Kanyang Inihayag na ang napanalunang ay pandagdag niyang puhunan sa pambili ng bote at bakal

Sinabi niya na matagal na siyang sumasali sa promo ng Bombo Radyo at ang ginamit na takip ng emperador light na kanyang entry ay kasama sa kanyang kinakalakal .

Sinabi pa ni Gng. Benabise na matagal na siyang sumasali sa promo ngunit ngayon lamang siya pinalad na manalo ng first prize.

--Ads--

Umabot anya sa 250 ang entry si Gng. Benabise sa grand draw ng Swerte sa Palengke 2017 Promo

Inihayag naman ng 2nd prize winner ng P/10,000.00 na si Emily Bingcola, 50 anyos, residente ng Busilac, Alfonso Lista, Ifugao na ito na ang pangalawang pagkakataon na nanalo siya sa promo ng Bombo Radyo.

Sinabi pa ni Bingcola na taong 2007 pa noong una siyang sumali sa promo.

17 entries lamang ang kanyang naipadala kayat hindi niya inasahan na siya ay manalo sa grand draw na kanyang labis na ikinatuwa

Ang 3rd prize na P/5,000.00 ay napanalunan naman ni Maria Lourdes Soriano ng Purok 1, Dangan Reina Mercedes, Isabela.

Kanyang sinabi na halos weekly siyang nananalo dahil sa 30 entries ang kanyang inihuhulog sa bawat draw at sa kabuoan ay mahigit 400 entries ang isinali.

Samantala, inihayag naman ni Ginang Pacita Berganio ng Antonino, Alicia, Isabela,tindera sa isang pharmacy ang kanyang katuwaan sa pagkakapanalo ng consolacion prize na P/2,000.00.

Sinabi niya dalawang beses lamang siya sumali sa promo at ngayon ay mapalad siyang nanalo sa grand draw .

Si Maricel Matalang ng Cabaruan, Cauayan City na isa sa limang nanalo ng consolacion prize na dalawang libong piso ay pangatlo nang nanalo makaraang nakapaghulog ng mahigit 300 daang entries.

Ang iba pang limang nanalo ng tig-P2,000.00 bilang consolation prize ay sina; Babie Morena Marayag ng Baculod,Ilagan City;Mary-sol Subia ng Calabayan Minanga, Angadanan, Isabela at Aurabeth Taccad ng Tagaran, Cauayan City

Kabouang 6.5 million pesos ang total prize nationwide ang ipinamigay para sa Swerte sa Palengke Promo 2017 kaninang hapon