--Ads--

Ipatutupad na sa June 8 ang first tranch sa umento ng sahod ng mga manggagawa sa Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Chester Trinidad, information officer ng DOLE Region 2 na matapos ang isinagawa nilang public consultation ay napagkasunduang dalawa hanggang tatlong tranches ang pagkakaloob ng P50-70 wage increase sa rehiyon.

Ang unang dagdag na P30 na sahod sa non-agriculture sector ay ipapatupad sa June 8 habang ang karagdagang P20 ay ipatutupad sa January 1,  2023.

Ang arawang sahod na P370 sa non-agriculture sector ay magiging P420 na dahil sa P50 na dagdag sahod.

--Ads--

Sa agriculture sector, ang minimum wage ngayon na P345 ay magiging P400 na dahil sa karagdagang P55 kapag tuluyan nang naipatupad ang unang tranch sa June 8 at ikalawang tranch sa unang araw ng January, 2023.

Sa mga manggagawa sa maliliit na estbalisyemento ang second tranch ay sa October 1, 2022 ipagkakaloob ang dagdag na P25 at magiging P400 habang ang third tranch ay madadagdagan ng P20 at magiging P420 sa January 1, 2023.

Pagsapit ng January 1, 2023 ay pareho na ang minimum wage na P420 ng mga manggagawa sa Non-Agriculture at mga maliliit na establishyemento habang ang mga manggagawa sa Agriculture sector ay P400.