CAUAYAN CITY- Arestado ang isang fish dealer matapos ang matagumpay na anti- illegal drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Oscaris, Ramon, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMAJ Fernando Mallinllin, hepe ng Ramon Police Station aniya na ang naaresto ay si Alyas BJ, fish vendor at residente ng Brgy. Aguinaldo sa parehong nabanggit na bayan.
Aniya, naaresto ang pinaghihinalaan matapos ikanta ito ng kanyang dating kasamahan na di umano’y nagtutulak ng iligal na droga sa kanilang lugar.
Nakuha mula sa suspek ang humigit kumulang 0.1 gram na shabu na nagkakahalaga ng tinatayang 680 pesos an kung saan nakuha din mula sa pag-iingat ng suspek ang 500 pesos na buy bust money.
Pagpapahayag pa ni PMAJ. Mallinllin na ang suspek ay dating drug surrenderee noong taong 2018.
Aniya na posibleng gumagamit umano ng ilegal na droga ang suspek na pampagising sapagkat kumukuha ang mga ito ng isusupply na mga isada sa Ramon ng hating gabi hanggang tanghali at isinusplay pa umano ito sa mga malalayong lugar.
Hindi din aniya inaalis ng pulisya ang anggulo na Isinasabay ng suspek ang pagbebenta ng iligal na droga sa kanyang pagbebenta ng isda.
Ayon sa hepe, hindi naman makakaapekto sa pagiging “drug clear municipality” ng bayan ng Ramon ang mga ikinakasang operasyon na mayroong kaugnayan sa droga.