--Ads--

Determinadong wakasan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang operasyon ng mga fixer sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, tila naging bahagi na ng sistema ang pagdaan sa mga fixer upang makaiwas sa mahabang pila at oras ng paghihintay sa mga government office.

Naniniwala siyang may sabwatan sa ganitong kalakaran, partikular sa pagitan ng fixer at ng isang insider o empleyado sa loob ng ahensya. Aniya, pinaghahatian umano nila ang padulas na ibinibigay ng mga kliyenteng may transaksyon.

Iginiit ni Marcos na nais niyang tuluyang matuldukan ang ganitong gawain na matagal nang nakaugat sa burukrasya.

--Ads--

Bilang solusyon, isinusulong niya ang ganap na digitalization ng mga transaksyon sa lahat ng tanggapan ng gobyerno. Sa pamamagitan nito, hindi lamang mawawala ang mga fixer kundi mapabibilis din ang proseso at mababawasan ang person-to-person contact sa mga ahensya.