--Ads--

Itinala ng Guinness World Records ang isang kakaibang rekord matapos ma-auction ang tinaguriang “Cheetozard” — isang Flamin’ Hot Cheeto na hugis Pokémon Charizard.

Ayon sa organisasyon, ang bentahan sa Goldin Auctions noong Marso 2025 ay nagtapos sa halagang $87,840, na ngayon ay kinikilalang pinakamataas na presyo na binayaran para sa isang corn snack na kahawig ng karakter mula sa video game.

Ang tatlong pulgadang haba na Cheeto ay nakadikit sa isang espesyal na “Cheetozard” Pokémon card at nakalagay sa isang transparent na kahon.

Ang Cheeto ay unang nabili sa eBay sa halagang $350 ni Paul Bartlett, may-ari ng sports memorabilia company na 1st & Goal Collectibles, sa pagitan ng 2018 at 2022. Noong 2024, kumalat sa social media ang mga larawan ng kakaibang snack at naging viral, dahilan upang tumaas ang interes ng mga kolektor.

--Ads--