--Ads--

Nagsimula nang makatanggap ng mga reservation order ang mga flowershop sa Lungsod ng Cauayan para sa pagpasok ng buwan ng Pebrero kung saan ipinagdidiriwang ang Buwan ng mga Puso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Teresita Magaru, isa sa mga owner ng flowershop sa lungsod, sinabi nitong ngayon pa lang ay madami na ang nag-oorder at nag-iinquire sa kanilang shop para makapag-pareserve na ang mga ito sa darating na buwan.

Ayon kay Ginang Magaru, nag-oorder na sila ng mga stocks ng mga bulaklak na nagmumula pa sa ibang bansa partikular sa bansang Tsina nang sa ganoon ay ma-accommodate ang lahat ng mga mamimili na nagtutungo sa kanilang shop.

Giit niya, isa sa pinaka-mabili ay mga bulaklak partikular na ang mga red roses kung saan nasa isang daan na bundle ang inorder ng kanilang shop para sa mga mamimili na nag pre-order ngayon pa lamang.

--Ads--

Dagdag pa ni Ginang Magaru, hindi magbabago ang presyo ng kanilang itinitindang bulaklak hanggang yan sa pagsapit ng  ika-14 ng Pebrero.