Nakahanda na ang mga food at non-food items na ipapamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa mga maapektuhang pamilya ng Bagyong Uwan, na sa ngayo’y nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2, sinabi niya na mayroong 147, 855 food packs na naka-preposition sa mga local government unit sa Lambak ng Cagayan na may kabuuang halaga na ₱90,549,812.
Maliban dito ay mayroon ding prepositioned non-food items na nagkakahalaga ng ₱61,278,000.
Pangunahin naman nilang tinutukan ay ang mga coastal towns sa bahagi ng Cagayan, Isabela at Batanes na mahirap puntahan tuwing masama ang panahon.
Kung sakali namang kulangin ang mga nakahandang relief goods ay mayroon namang ₱3 million standby funds na maaaring gamitin upang agad mapunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Nagpaalala naman si Alan sa publiko pangunahin na ang mga nasa low lying areas na maging alerto at sumunod sa abiso ng mga awtoridad upang matiyak ang kanilang kaligatasan.











